Kantang sumasalamin sa lahat ng Pilipino, iminungkahi ng Malacañang

32

Iminungkahi ng Malacañang na magkaroon ng kantang sasalamin sa lahat ng Pilipino sa buong bansa.

Ito’y matapos punahin ni Davao City Mayor sara Duterte-Carpio ang pagtugtog ng kanyang ‘Manila’ ng Bandang Hotdog sa Opening Ceremony ng 30th Southeast Asian Games.


Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, mahalagang makalikha ng kanta na kakatawan bilang isang Pilipino.

Depensa ni PHISGOC Chief Operating Officer Ramon Suzara, pinili ang kanta dahil nirerepresenta nito ang bawat Pilipino.

Depensa naman ng Founding Member ng Hotdog na si Dennis Garcia, ginawa nila ang kantang Manila na hindi iniisip ang mga sarili bilang Tagalog, Bisaya, o Ilocano, kunid ang mga Pilipinong nami-miss ang Pilipinas.

Facebook Comments

From Advertisers