Kapa-community at iba pang investment scam groups, tutugisin

Nangako ang Philippine National Police (PNP) na hahabulin ang Kapa-Community Ministry International at iba pang investment scam groups na nag-o-operate sa Mindanao.

Ayon kay PNP Chief, Police General Oscar Albayalde – nagsasagawa na sila ng case-build up laban sa lahat ng indibidwal at grupong dawit sa investment scam na binibiktima ang mga residente sa Mindanao, kabilang ang mga pulis.

Bago ito, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PNP at NBI na imbestigahan ang Kapa na nakabase sa Surigao del Sur.


Maliban sa Kapa, ilang investment scams ang naiulat sa central part ng Mindanao sa ilalim ng modus operandi na humihikayat sa mga tao na mag-invest kapalit ng 30 hanggang 50% na monthly interest return.

Facebook Comments