KAPAG GUILTY | 4 pulis Bulacan na umano’y nanggahasa sa isang buntis, ipapapako sa krus ni PNP Chief Dela Rosa

136

Manila, Philippines – Ipapapako sa krus ang apat pulis-Bulakan na umano’y
nanggahasa sa isang buntis sa harapan ng kanyang anak sa Barangay Bangkal,
Meycauayan Bulacan.

Ito ang banta ni PNP Chief Ronald Dela Rosa kung mapatunayan guilty o
ginawa ng mga pulis na ito ang reklamo laban sa kanila.

Aniya, wala siyang pakialam kung drug-offender ang ginang at kung ano ang
back ground nito dahil mahalagang matukoy ay kung may pang-aabuso nga ba na
ginawa ang mga pulis.

Sa ngayon aniya tututukan pa rin ng PNP Internal Affairs Service ang
imbestigasyon sa insidente. Ito ay kahit na ayaw na makipag tulungan at
inatras na ng ginang ang kanyang reklamo.

Kasong administratibo at kriminal ang kakaharapin ng mga ito sakaling
mapatunayang guilty.

Nanatili sila ngayon sa restrictive custody habang nagsasagawa ng
imbestigasyon anG PNP IAS.

Facebook Comments