
Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makukumpleto na ang labor cooperation agreement sa pagitan ng Pilipinas at Palau.
Sa kanilang bilateral meeting kay Palau President Surangel Whipps Jr., isinulong ng Pangulo ang proteksyon at kapakanan ng mga Filipino workers sa Palau.
Kabilang dito ang pagkakaroon ng social benefits sa mga OFW na nakapaloob sa Social Security Agreement.
Nais ng Pangulo na matapos ang social security agreement at bilateral labor agreements ngayong taon.
Samantala, ibinida naman ni Pangulong Marcos ang ambag ng mga OFW sa ekonomiya ng Palau kung saan 25% ng populasyon sa naturang bansa ay mga Pilipino.
Facebook Comments