Kapangyarihan ng PAGCOR sa pag-iisyu ng lisensya sa mga casino – posibleng bawiin

Manila, Philippines – Nagbanta naman si House Majority Leader Rodolfo Fariñas sa PAGCOR na babawiin ang kapangyarihan nitong magbigay ng lisensya sa mga casino.

Sa pagdinig ng kamara kanina, sinabi ni Fariñas na hindi kasi agad sinuspinde ng PAGCOR ang lisensya ng Resorts World kasunod ng nangyaring pag-atake roon ng gunman na ikinasawi ng 37 mga guest at empleyado nito.

Pero ayon kay PAGCOR Chairperson Andrea Domingo – boluntaryo na rin naman kasing itinigil ng Resorts World ang kanilang operasyon.


Hindi rin aniya siya tutol sa nasabing banta ni Fariñas dahil wala naman aniya siyang magagawa sakaling ituloy ito ng mambabatas.
DZXL558

Facebook Comments