Kapatid at Anak ng BIFF Leader patay sa opensiba ng Militar

103

Nagpapatuloy ang focused military operations sa Shariff Saidona Mustapha laban sa grupo ni Abu Toraife ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na lokal na kaalyado ng international terrorist na ISIS.
Sa panayam ng DXMY kay Shariff Saidona Mustapha-PNP Chief Police Maj. Reggie Abellera, hanggang kaninang umaga ay nagsagawa ng operasyon sa Barangay Pusaw at Barangay Pamalian sa nabanggit na bayan ang kasundaluhan.
Ang mga residente sa naturang mga barangay ay nagsilikas na sa mga karatig barangay.
Ang mga bakwit ay nakakatanggap naman ng food at financial assistance mula sa lokal na pamahalaan.
Wala pa silang pinanghahawakang datos ng eksaktong bilang ng mga pamilyang lumikas dahil bumabalik din naman ang mga ito sa kanilang mga tahanan kapag humuhupa ang putukan sa ground upang bisitahin ang kanilang mga ari-arian dagdag pa ni Maj. Abellera.
Kinumpirma naman ni Maj. Abellera ang pagkakatagpo sa 3 mga bangkay ng mga miyembro ng Dawlah Islamiya kasunod ng mga isinagawang opensiba ng militar laban sa teroristang grupo.
Anya, ang bangkay ay natagpuan sa barangay Pusaw na naging sentro ng airstrikes at mortar shelling ng militar.
Sinabi pa ni Maj. Abellera na positibong kinilala ng barangay officials ang mga bangkay na sina Amad Abdul Malik, kapatid ni Abu Toraife, Ansari Ismail, anak ni Abu Toraife at ang follower nito na si Johari Abdul Latip.
Samantala, nananawagan si Maj. Abellera sa mamamayan ng Shariff Saidona Mustapha na makipagtulungan sa militar at kapulisan upang mamentina ang peace and order sa kanilang lugar.
Kung may alam sa mga kinaroroonan ng mga tinutugis ng kasaundaluhan ay agad na pakipag-ugnayan sa militar at maging sa pulisya.
6th ID Pic

Facebook Comments

From Advertisers