Kapatid at ina ng komedyante si K Brosas, nagpositibo sa COVID-19

39

Nagpositibo sa COVID-19 ang kapatid at nanay ng actress-comedian na si K Brosas.

Kinumpirma ito ng komedyante sa kanyang Instagram post at nananawagan ng panalangin para sa kanyang mga mahal sa buhay.


Isang nurse sa Italy ang kapatid ni K kung saan kasama nito sa bahay ang kanilang ina na kasalukuyang nasa emergency room ng isang hospital sa nasabing bansa.

Aniya, huwag tayong magpakampante dahil baka mangyari sa ating bansa ang nangyari sa Italy kung saan patuloy na tumataas ang COVID-19 cases.

Bagama’t nag-aalala sa sitwasyon ng kanyang pamilya, nagagawa pa rin ni K Brosas na tumulong sa mga sinalanta ng bagyo sa bansa.

Facebook Comments