Kapatid na nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni Mayor Sara Duterte, pinagpapaliwanag ni Senator Pacquiao

4523

Pinatawag na ni Presidential aspirant Senator Manny Pacquiao ang kanyang kapatid na si Sarangani Representative Ruel Pacquiao para pagpaliwanagin.

Kasunod ito ng press release na inilabas ng Lakas-CMD na sinusuportahan ni Congressman Ruel at iba pang opsiyal ng Sarangani ang kandidatura ni Mayor Sara Duterte sa pagkabise presidente.

Ayon kay Pacquiao, hindi siya kinonsulta sa bagay na ito kaya’t kailangang magpaliwanag ang kapatid.


Binigyang-diin ni Pacquiao na bilang pamilya at bilang magkapatid ay kailangan silang magkaisa upang matiyak na tuloy-tuloy ang labang Paquaio-Atienza.

Kaugnay nito ay iginiit ni Pacquiao na nananatiling buong-buo ang kanyang suporta sa ka-tandem sa 2022 elections na si Congressman Lito Atienza.

Ayon kay Pacquiao, matagal na ang kanilang pinagsamahan ni Atienza at hindi ito mabubuwag o mababago ng pulitika.



Naniniwala si Pacquiao, na si Atienza ay napakagaling at napakahusay na lider na karadapat-dapat na mahalal bilang pangalawang pangulo ng bansa.

Facebook Comments