Kapatid ng itinuturong bag man ng kilalang drug group sa Bacolod, patay matapos pagbabarilin

Bacolod, Philippines – Patay ang kapatid ng itinuturong bagman ng Berya Drug Group na si Ricky Serenio matapos itong pagbabarilin ng mga suspek sakay sa isang adventure pasado las dose kaninang hating gabi sa Prk. Sampaguita 2, Brgy. Singcang Airport sa Bacolod City.

Nakilala ang biktima na si Wilmar Sereno, 31 years old, alias lotlot at nakababatang kapatid ng kontrobersyal na drug personality sa lungsod na si Ricky Sereno.

Ayon sa ina ng biktima na si Gina, nakarinig sila ng anim na sunod sunod na putok at huli na ng kanilang nalaman na si Wilmar na pala ang binaril at nagtamo ng maraming sugat mula sa .45 calibre na pistol at naging dahilan ng pagkamatay nito.


Ibinunyag ng ina na nakatanggap na pala ng death threat ang biktima mula sa nakilala lamang na si Efren, sinasabing asset ng Regional Special Operation Group.
Naniniwala ang ina ng biktima na ang pagpatay kay Wilmar ay may kinalaman sa pagsisiwalat ni Ricky sa mga taong na involved sa drug money payola.
Nation”

Facebook Comments