Kapatid ng nagpakamatay na ERC official, isinalaysay ang totoong dahilan sa pagpapakamatay nito

71

Manila, Philippines -Pinatotohanan ng kapatid na journalist ng nagpakamatay na opisyal ng ERC Bids and Awards Committee na si Atty. Francisco Villa Jr. na napressure ito bago nagpakamatay noong November 9 2016.

 

Emosyunal na humarap sa mga kongresista si Charie Villa sa House Committee on Good Government and Public Accountability.

 

Huling nakausap niya ang kanyang kapatid noong November 8 habang nagaalmusal at natanong niya kung bakit hindi ito pumapasok sa ERC.

 

Umamin aniya ang kanyang kapatid na ayaw na nitong bumalik sa opisina dahil pilit itong pinapipirma sa mga maanomaliyang dokumento.

 

Partikular na binanggit ni Charie na inamin ng kanyang kapatid na si ERC Chairman Jose Vicente Salazar ang nagpapapirma dito sa mga iregular na dokumento.

 

Ayon kay Villa, hanggat maaari ay ayaw na ng kanilang pamilya na maungkat pa ang pagpapakamatay ng kanyang kapatid pero nagdesisyon umano siyang humarap sa kamara para samahan ang mga kasamahan nito sa ERC na naiipit din sa mga iregularidad sa ahensiya.

Facebook Comments