Kapatid nina Robin, Rommel, at BB Gandanghari na si Royette Padilla, pumanaw na

7200

Pumanaw na ang dating aktor at panganay na kapatid nina Robin, Rommel, at BB Gandanghari (dating Rustom Padilla) na si Royette Padilla.

Mismong ang kapatid nilang si Rebecca ang nagkumpirma nito sa kanyang Facebook account kaninang tanghali dahil sa atake sa puso.


May caption ang post ni Rebecca na “Pls whisper a prayer for our brother Royette Padilla. A silent prayer for his eternal peace, please.”

Isa rin si Royette sa pinakakontrobersiyal na Padilla brothers dahil sa mga kinasangkutan nitong kontrobersya.

Napanood si Royette sa mga pelikulang Mistah noong 1994, Buhay Kamao at Alab ng Lahi noong 2003.

Facebook Comments