Kapayapaan dalangin ni Former ARMM Governor para sa Bangsamoro

Nagpaabot ng kanyang mensahe ng Kapayapaan si Former ARMM Governor at ngayoy Congressman Elect Mujiv Hataman sa lahat ng Bangsamoro kasabay ng pagdiriwang Eidl Fitr.
Umaasa rin ang opisyal na magiging makabuluhan ang ginawang pag-aayuno , maging ang pagdiriwang ng Eidl Fitr ng bawat mananampalatayang Islam.
Inihayag ito ni Congressman Hataman kasabay ng kanyang pagbisita sa BARMM Compound noong gabi ng sabado. Kasama nito ang kanyang maybahay na si Isabela Mayor Elect Sittie Djalia . Nagmasayal rin ito sa Trade Fair.
Ang kanyang pagtuntong sa BARMM Compound ay kauna unahan mula ng itong bumaba sa kanyang posisyon pagka Gobernador kasabay ng pagpasok ng BARMM Government.

Facebook Comments