Kapitan ng bangkang F/B Gem-Ver 1, umatras sa sinasabing “pulong” nila ni PRRD

228

Hindi tumuloy ng Maynila ang kapitan ng bangkang nasalpok ng Chinese vessel para sa sinasabing pakikipagkita kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagpasya si Jonel Insigne ng F/B Gem-Ver 1 na umatras dahil mabigat ang kanyang pakiramdam.


Bagamat nanghihinayang siya sa pagkakataong makausap ang Pangulo, umaasa siyang mapapakinggan ang kanyang hiling.

Muli ring iginiit ni Insigne na hindi nila tanggap ang mga pahayag ni Energy Secretary Alfonso Cusi na tila pabor sa China.

Sagot naman ni Secretary Cusi, pinuntahan niya ang mga mangingisda dahil siya ang regional development para sa Mimaropa.

Tumanggi nang magkomento ng kalihim sa mga saloobin ng mga mangingisda.

Facebook Comments

From Advertisers