Kapitan ng F/B Gem-Vir 1 na si Jonel Insigne, nag-sorry kay Pangulong Rodrigo Duterte

1457

Humingi ng tawad kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kapitan ng bangkang pangisdang binangga ng Chinese Fishing Vessel sa Recto Bank matapos ang tila pagbaliwala niya sa punong ehekutibo.

Ayon kay F/B Gem-Ver Captain Junel Insigne, hindi niya alam na si Agriculture Secretary Manny Piñol ang humiling na magkita sila sa Manila.


Kasabay nito, muli namang umapela si Insigne sa Pangulo na tulungan sila na makamit ang hustisya.

Nilinaw naman ni Agriculture Sec. Manny Piñol na hiningi niya ang klaripikasyon kay Insigne dahil nalalagay sa alanganin ang pangulo dahil sa mga gawa-gawang pahayag.

Facebook Comments

From Advertisers