Kapulisan sa BARMM nagbahagi ng kanilang dugo kasabay ng buwan ng Pag-ibig

177

Nakiisa sa isinagawang blood letting activity ang mga elemento ng PNP Regional Mobile Force Battalion 14.

Layunin nito ay upang makatulong sa publiko sakaling mangangailangan ang mga ito ng dugo ayon sa impormasyon mula kay RMFC 14 Commander Police Col. Michael Bawayan Jr.


Naging katuwang ng mga kapulisan sa nasabing aktibidad ang Metro Cotabato Water District, Cotabato Regional and Medical Center at PNP Regional Health Services

Abot naman sa 209 ng mga elemento ng RMFC 14 ang nakabahagi ng kanilang dugo.

Tema ng aktibidad ay “ Save a Life Give Blood”.

Pinuri naman ni PRO BAR Director Marni Marcos Jr. ang sakripisyong ipinakita ng mga kapulisan kasabay ng pag-oobserba ng buwan ng pag-ibig.

Facebook Comments