Kapulisan sa Dagupan City handa na sa Undas 2017

25

Naghahanda na ang PNP Dagupan sa pag-alerto nito sa pitong sementeryo sa siyudad.

Kasama sa pitong sementeryo ay ang Eternal Gardens, Mt. Zion Memorial Park, Roman Catholic Cemetery, Dalawang chineese cemetery at Bonuan Public Cemetery at Fish Cemetery. Ang Eternal Gardens ang may pinaka maraming pulis na itatalaga at pinaka babantayan dahil hanggang madaling araw ay mayroon paring tao na nagpupunta sa kanilang mahal sa buhay.

Ayon sa PNP itatalaga nila ang lahat ng kanilang kapulisan kasama ang ilang tanod sa bawat barangay ng Dagupan. Magtatalaga ang PNP Dagupan ng police asssitance desk sa bawat sementeryo.

Nagpaalala si Police Senior Inspector Arthuro Melchor na bantayan ang gamit at ang mga anak upang maiwasan ang pagkakaroon ng aberya sa pagbisita sa sementeryo sa darating na undas.

Dalawang araw bago ang Undas itatalaga na ang mga kapulisan ng Dagupan City.

Facebook Comments