Karagatan ng Ilocos Sur, binabantayan ng Philippine Coast Guard sa harap ng aftershocks sa lugar

75

Patuloy na binabantayan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang karagatan sa Ilocos Sur matapos ang malakas na lindol kahapon.

Partikular na mino-monitor ng PCG ang Barangay Darapidap, Candon City sa harap ng patuloy na nararanasang aftershocks sa Northern Luzon at mga karatig na lugar.

Nananatili ring naka-full alert status ang PCG District Northwestern Luzon.


Ito ay para agad na makapagbigay serbisyo sa lokal na pamahalaan at mga residente roon sakaling magkaroon ng malalakas na aftershocks.

Facebook Comments