Karagdagang 1 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccines, ibibigay na donasyon ng China sa Pilipinas

108

Aabot sa 1 milyong doses ng Sinovac COVID-19 vaccines mula sa China ang ibibigay ng donasyon ng China sa Pilipinas.

Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, inaasahang sa susunod na linggo darating sa Pilipinas ang mga bakuna.


Layon ng donasyon na mapaigting pa ang nagpapatuloy na programang pagbabakuna ng gobyerno kontra sa COVID-19.

Sa ngayon, umabot na sa 88 million doses ng COVID-19 ang dumating sa bansa kung saan 23.7 milyong Pilipino ang fully vaccinated.

Patuloy naman ang pagbabakuna ng gobyerno upang maabot ang 80% hanggang 90% target na bakunahan bago ang May 2022.

Facebook Comments