Karagdagang 2 milyon doses ng COVID-19 vaccines ng Sinovac, dumating na kanina

Dumating na kaninang umaga ang karagdagang dalawang milyong doses ng Sinovac COVID-19 vaccine.

Sinalubong ito nina Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., at Manila Mayor Isko Moreno.

Sa bilang na ito, 1,600,000 ang binili ng national government habang 400,000 doses naman ng Sinovac ang napunta sa lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila.


Sa kabuuan, 16.2 million doses ng bakuna na ang ating natanggap kabilang ang mga AstraZeneca, Sputnik V at Pfizer BioNTech COVID-19 vaccines kung saan ang iba ay donasyon ng COVAX facility ng World Health Organization (WHO).

Facebook Comments