Karagdagang 500,000 dose ng Sinovac COVID-19 vaccine, dadating ngayong araw

36

Darating ngayong araw ang karagdagang 500,000 dose ng Sinovac COVID-19 vaccine.

Ayon kay Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana, ito ang huling batch ng COVID-19 vaccines na darating sa bansa mula China ngayong buwan.


Aniya, mayroon pang paparating na dagdag na doses ng bakuna sa mga susunod na buwan.

Ang nasabing 500,000 dose ng bakuna ay bahagi ng 2 million doses ng Sinovac vaccines kung saan una nang na-deliver sa bansa ang 1.5 million doses nito noong May 7.

Facebook Comments