Karagdagang 63 Immigration officers, ide-deploy sa NAIA terminals dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga pasahero

51

63 na bagong hired na Immigration officers ang nakatakdang i-deploy sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals.

Layon nito na madagdagan ang bilang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa NAIA na nagsasagawa ng pangunahing inspeksyon sa foreign at local passengers.

Sa harap ito ng patuloy na tumataas na bilang ng mga pasaherong dumarating at umaalis sa NAIA.


Ayon sa BI, mula sa average na 4,000 hanggang 5,000 pasahero, araw-araw ay pumapalo na ito ngayon sa 17,000 hanggang 20,000 kada araw.

Ito ay simula nang buksan sa mga turista ang mga border ng bansa.

Facebook Comments