Karagdagang 97 tauhan ng PNP, tinamaan ng COVID-19

40

Nasa 97 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa hanay ng Philippine National Police (PNP) ngayong Linggo, Oktubre 10.

Dahil dito, umabot na sa kabuuang 40,849 na tauhan ng PNP ang tinamaan ng virus.


Sa nasabing bilang, 1,355 ang nananatiling aktibo.

Nadagdagan naman ng 203 ang bilang ng recoveries para sa kabuuang 39,373 habang nananatili sa 121 ang death toll.

Facebook Comments