Karagdagang bakuna kontra COVID-19, nakatakdang tanggapin ng lokal na pamahalaan ng Maynila

34

Nakatakdang tumanggap ngayong araw ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng karagdagang bakuna kontra COVID-19.

Sa pahayag ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, nasa 3,000 doses ng Sinovac ang tatanggapin ng Manila Health Department (MHD) mula sa Department of Health (DOH).


Dahil dito, plano ngayon ng Manila Local Government Unit (LGU) na ibigay na ang 1,500 vials ng Sinovac vaccine sa unang health care workers na dapat sana ay para sa second dose ng unang batch ng medical frontliners na nabakunahan noong nakaraang linggo.

Ayon kay Moreno, nagpadala na rin ng sulat ang MHD sa DOH para kanilang malaman kung ilang AstraZeneca vaccines naman ang ibibigay sa kanilang lungsod.

Aniya, agad nilang ibabahagi ang mga bakuna sa mga medical frontliners na pawang mga senior citizens kung saan susundin pa rin nila ang panuntunan ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Muli rin inihayag ng alkalde na hindi niya pipilitin ang mga medical frontliners kung anong bakuna ang nais nila pero anuman ang dumating na brand mga bakuna ay agad nila itong pamamahagi upang hindi masayang.



Facebook Comments