Karagdagang halos 7,000 COVID-19 recoveries sa bansa, naitala ngayong araw

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 6,810 na bagong gumaling sa COVID-19 sa bansa.

3,666 naman ang bagong kaso habang 60 ang binawian ng buhay.

Sa ngayon, 1,367,894 na ang kabuuang kaso ng COVID sa bansa.


52,696 naman ang aktibong kaso habang 1,291,389 ang kabuuang recoveries.

23,809 naman ang total deaths.

Facebook Comments