Karagdagang health centers sa bawat barangay ng lungsod ng Dagupan lalawigan ng Pangasinan, aasahan

252

Pangasinan, Philippines – Inaasahang madaragdagan pa ang bilang ng mga health center sa lungsod ng Dagupan lalawigan ng Pangasinan para mailapit pa ang mga serbisyo sa lahat ng taga-Dagupan.

Matatandaang isa sa mga prayoridad ni dagupan City Mayor Belen Fernandez ay ang paghahatid ng serbisyong medikal para hindi na kailanganin pa ng mga residente na bumiyahe pa nang malayo.


Dagdag pa nito, asahan ang pagpapatayo ng health center kung saan sa Barangay Lomboy ay 95% na ang nagagawa.

Samantala, isang diagnostic center naman ang nakatakdang ipatayo na magbibigay ng libreng ECG, ultrasound at xray sa mga mahihirap na Dagupeños.

Facebook Comments