Karagdagang mga bakuna, inilipad na rin ng PAL patungong Visayas at Mindanao

58

Libu-libo pang doses ng mga bakuna ang isinakay ng Philippine Airlines patungong Cagayan de Oro, Cebu, Butuan at Davao.

14,400 doses ng Sinovac ang na-airlift ngayong araw ng PAL patungong Cebu at Davao, habang 36,000 doses sa Butuan at 24,000 doses sa Cagayan de Oro.


Una na ring hinatid ng PAL nitong Marso ang milyong doses ng mga bakuna patungong Legazpi, Bacolod, Cebu, Dumaguete, Iloilo, Tacloban, Tagbilaran, Butuan, Cagayan de Oro, Cotabato at Davao.

Magugunitang ang PAL din ang nag-airlift ng Sinovac vaccines mula sa Beijing, China patungo ng Pilipinas.

Facebook Comments