Karagdagang provincial routes, bubuksan ngayong linggo -LTFRB

Magbubukas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng karagdagang provincial routes sakop ang Metro Manila ngayong linggo.

Ayon kay LTFRB Chairperson Martin Delgra III, ang mga karagdagang ruta ay mula sa Davao City at Mabalacat, Pampanga sa Centra Luzon.

“In terms of increasing capacity for provincial buses, we will be opening up additional routes this week,” sabi Delgra.


Nakikipag-ugnayan din si Delgra sa iba pang lokal na pamahalaan para payagan ang provincial trips sa kanilang borders.

Una nang binuksan ng LTFRB ang 12 modified provincial bus routes para silbihan ang mga pasaherong patungo at pabalik ng Metro Manila, Central Luzon, at CALABARZON.

Nasa 286 provincial buses ang pinayagan nang mag-operate mula nitong September 30.

Facebook Comments