Karagdagang pwersa ng Marines idineploy sa Sulu

24

Isinagawa kahapon ng umaga sa Polloc Port in Bargy Polloc, Parang, Maguindanao ang send-off ceremony para sa tropa ng Marine Battalion Landing Team-7 na makikipag-sagupa sa Abu Sayaf Group sa Sulu.

Ang seremonya ay pinangunahan nina Major General Alvin A. Parreño, Commandant Philippine Marine Corps at Brigadier General Juvymax R. Uy, Assistant Division Commander, JTF Central bilang kinatawan ni Joint Task Force Central Commander Major General Cirilito E. Sobejana.


Una rito ay ipinag-utos ng Higher Headquarters ang pagpapadala ng mas marami pang pwersa upang pulbusin ang ASG na kumikilos sa Sulu Province.
Ang MBLT-7 ay dating naka-posisyon sa mga bayan ng Nuro at South Upi at sa coastal area ng Datu Blah Sinsuat sa Maguindanao.

Facebook Comments

From Advertisers