KARAGDAGANG RURAL HEALTH UNIT SA ASINGAN, BINUKSAN

Binuksan sa bayan ng Asingan ang karagdagang Rural Health Unit (RHU) na matatagpuan sa ng Barangay Toboy.

Naglalayon ang pagbubukas ng isa pang RHU na makapaghatid pa ng mas mabilis na serbisyo pagdating sa usapin ng kalusugan.

Tinututukan ang kalusugan ng mga residente hindi lamang sa nabanggit na barangay kung hindi pati na rin sa mga kalapit nito tulad ng barangay Palaris, Calepaan, Sobol, Bobonan, at Coldit.

Maglalagay rin umano ng ambulansya bilang karagdagang kagamitan sakaling kailanganin ng mga naturang barangay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments