KARAGDAGANG SUPLAY NG BAKUNA PARA SA 5-11 AGE GROUP, HILING NG VACCINATION TEAM NG DAGUPAN CITY

44
Hiniling ngayon ng Dagupan City Vaccination Team sa Department of Health ang mas maraming alokasyon ng suplay ng bakuna laban sa COVID-19 para sa mga batang edad lima hanggang labing-isang taong gulang kasabay ng pagsisimula ng ‘Resbakuna Kids’.
Inihayag ni Dr. Dalvie Casilang, Vaccination Team Leader ng lungsod, nais nilang mabilis na mabakunahan ang naturang age group ngunit limitado lamang ang dumating na suplay mula sa Department of Health – Region 1.
Aniya ang dumating na 1,000 doses ng COVID-19 vaccine para sa nasabing edad ay hinati para sa una at ikalawang dose at nangangahulugan na 500 bata lamang ang kanilang mababakunahan.

Iginiit nito na hindi nagtatagal ang suplay ng bakuna sa lungsod dahil sa nagpapatuloy na vaccination roll kung saan pinapabilis nila umano nila sapagkat ayaw na nilang madagdagan ang bilang ng mga nasasawi dahil sa COVID-19. | ifmnews
Facebook Comments