Karagdagang walong tauhan ng NCRPO, positibo sa COVID-19 

26

Nakapagtala muli ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng walong tauhan nito na panibagong tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19. 

Bunga nito, umaabot na sa 4,893 ang kabuuang bilang ng tauhan ng NCRPO na na-infect ng virus. 

Sa nasabing bilang, 238 na lamang ang active cases habang ang nakarecover ay 2,138. 

Nananatili naman sa sa apat ang bilang ng NCRPO personnel na nasawi sa COVID-19. 

Kabilang sa mga binawian ng buhay ang isang Police Staff Sergeant na nakatalaga sa Tactical Motorcycle Riding Unit o TMRU sa Pasig Police station. 

Facebook Comments