Karambola ng 3 Sasakyan, 2 Patay!

Ilagan City, Isabela – Dead-on-arrival ang dalawang lalaki samantalang sugatan naman ang dalawa pa matapos banggain ng kasalubong na bus ganap alas sais y media ng gabi ng Enero 22, 2018.

Kinilala ang mga nasawi na sina Nerwin Manuel y Ressurreccion, 23 anyos, binata, driver residente ng Brgy. Fuyo Ilagan City, Isabela, at Dexter Lana y Pitacio, 25 anyos, may asawa, tubong Brgy. Dassun Solana, Cagayan

Batay sa report ng PNP Ilagan, binabaybay umano ng mga biktima ang direksyon patungong Tuguegarao ng makasalubong ng mga ito ang isang bus ng Dalin na may plakang BVU-181 na minamaneho ni Anthony Ramos y Santos, 36 anyos, binata, driver at residente ng Palattao, Naguillan, Isabela.


Pagdating sa Brgy. San Andres, Ilagan City dito na umano sinalpok ng nasabing bus ang Honda traysikel na minameho ni Manuel na agad ring nadamay ang single na motorsiklo ni Lana pati na rin ang kulung-kulung na kasunod ng mga ito.

Agad namang isinugod sa Gov. Faustino N. Dy Sr. Memorial Hospital ang mga biktima, kasama na ang back ride ng single motorcycle na kinilalang si David Lana, fish vendor at residente rin ng Brgy. Dassun Solana, Cagayan, para mabigyan ng kaukulang atensyong medikal.

Kasong double homicide with serious physical injury naman ang kakaharaping kaso ng driver ng bus na si Ramos.

Facebook Comments