
Iniimbestigahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang nangyaring aksidente sa Maharlika Highway, Brgy. Balangibang, Polangui, Albay kung saan tatlo ang patay.
Sa ulat ng pulisya, nag-overtake ang truck sa isang van at saka sumalpok sa kasalubong na bus.
Dead on arrival naman ang mga driver ng mga nasabing sasakyan at sumunod ring nasawi sa ospital ang isang pasahero ng bus.
Tiniyak naman ng LTFRB na pananagutin ang sinumang mapatutunayang lumabag sa batas trapiko o sa kondisyon ng kanilang prangkisa.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga sasakyan habang patuloy pang nagpapagamot ang mga nasugatan sa aksidente.
Facebook Comments