Karamihan ng mga pasyente sa PGH, nakabalik na sa kanilang mga kwarto at wards

Nakabalik na sa kani-kanilang kwarto o wards ang mga pasyenteng inilikas kasunod ng sunog na sumiklab sa Philippine General Hospital (PGH) kahapon ng umaga.

Ayon kay Dr. Jonas del Rosario, PGH Spokesperson, kabilang sa mga nakabalik sa kanilang mga kwarto ay mga COVID at non-COVID patients.

Dagdag pa n Del Rosario na nasa 12 bagong silang na sanggol at ilang pediatric patients ang inilipat sa ibang mga ospital.


Hindi rin magagamit para sa isa hanggang dalawang araw ang operating rooms dahil kailangan muna itong inspeksyunin.

Ang sunog ay nagsimula sa operating room-sterilization area.

Hindi pa malinaw ang dahilan ng sunog pero wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

Facebook Comments