Karamihan sa mga tauhan ng BI na tinamaan ng COVID-19, nakatalaga sa airport

39

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na karamihan sa kanilang mga tauhan na nahawa ng COVID-19 ay nakatalaga sa mga paliparan.

Ayon sa BI, 200 sa kanilang mga empleyado na nakatalaga sa mga airport ang tinamaan ng Coronavirus.


Habang ang 197 na iba pang empleyadong nahawa ay mula sa kanilang main office sa Intramuros, Manila.

Mula noong nakalipas na taon, mahigit 500 na ang BI employees ang nagpositibo sa COVID-19 kung saan apat dito ang binawian ng buhay.

Bunga nito, minamadali na ng BI ang pagbabakuna sa iba pa nilang mga empleyado bagama’t marami na ang nabakunahan sa pamamagitan ng Local Government Units (LGUs) at sa vaccination drive ng ahensya.

Facebook Comments