Karate Pilipinas Sports Federation Inc., magtatayo ng isolation training camp sa Laguna

41

Nakatakdang magtayo ng bubble training camp ang Karate Pilipinas Sports Federation Inc. (KSFP) sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Ito ay bilang kanilang paghahanda sa nalalapit na Olympic Qualifying Tournament na gaganapin sa Paris, France sa Hunyo 11 hanggang 13 sa susunod na taon.


Ayon kay KSFP President Richard Lim, kumpiyansa silang masisimulan agad ang mga ensayo kagaya ng isolation training para sa tamang timing, spacing, reaksyon at diskarte sa pakikipag-sparring.

Pero kung sa usapin daw fitness at conditoning, 100% nang handa ang anim na miyembro ng National Team sa larangan ng Karate.

Sa ngayon, tanging ang go-signal na lamang mula sa Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) ang kanilang hinihintay.

Facebook Comments