Karla Estrada, nagbigay ng ‘love update’ kina Kathryn at Daniel

104

Balik-Pilipinas na ang magkasintahan na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo mula sa kanilang dalawang linggong bakasyon sa Iceland.

Kasabay nito, nagbigay ng “love update” ang ina ni Daniel na si Karla Estrada sa naging bakasyon ng dalawa.


Say ni momshie Karla, nag-enjoy ang dalawa sa kanilang bakasyon kung saan mas lalo pang naging maayos ang kanilang relasyon.

Suportado ni Karla ang pagbabakasyon nina Kathryn at Daniel ng sila lang dalawa dahil mas lalo daw nilang nakilala ang isa’t-isa.

At least habang bata daw ay nagta-travel na sila.

Matapos ang bakasyon, sinabi ni Karla na magiging abala na muli ang dalawa sa trabaho.

Facebook Comments

From Advertisers