Karla Estrada, todo tangging may tampo kay Kathryn Bernardo

Todo tanggi ngayon ang TV host / actress na si Karla Estrada ang lumabas na balitang may tampo daw ito kay Kathryn Bernardo.

Say ni Karla, wala daw dahilan para mag-tampo ito sa girlfriend ng kaniyang anak na si Daniel Padilla dahil mabuti naman daw ang pakikitungo niya sa young star.

Bukod dito, aprub din sa bawat side nila ang relasyon nina Kathryn at Daniel kaya at wala na daw dapat pang pag-usapang problema.


Sa huli, aminado si Karla na masaya siya sa takbo ng career ng dalawa dahil naghihilahan sila pataas kung saan nakita din niya na nag-mature ang anak na si Daniel sa piling ni Kathryn.

Facebook Comments