KARNE NG BAKA AT KALABAW SA MANGALDAN, TUMAAS

Tumaas ang presyo ng karne ng baka at kalabaw sa bayan ng Mangaldan, ayon sa ilang tindera.

Sa panayam ng IFM News Dagupan sa ilang tindera sa bayan, nasa sampu hanggang bente pesos ang itinaas ng kada kilo nito.

Sa kasalukuyan, nasa 380 pesos ang kada kilo ribs ng baka at kalabaw habang ang laman naman ay nasa 420-230 pesos ang kada kilo.

Ramdam din ng ilang tindera ang tumal ng bentahan nito sa ngayon.

Ang bayan ng Mangaldan, ay kilala sa pindang na mula sa karne ng kalabaw at baka. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments