Karpintero, nagbigay ng tig-P20 sa 5 batang naglalaro bago daw nangmolestya

1134

Arestado ang isang 54-anyos na karpintero na inireklamong nangmolestiya ng limang batang babaeng naglalaro sa Brgy. Tubod, Iligan City.

Pahayag ni Police Major Abogado Mautin, hepe ng Iligan City Police Station (ICPS) 4, dinakip ng awtoridad ang suspek na si Eric Castillon matapos magsumbong ang dalawang paslit sa kani-kanilang magulang.

Batay sa imbestigasyon, galing sa inuman si Castillon nang matiyempuhan at tawagin niya ang mga naglalarong paslit.


Ayon sa mga biktima, binigyan muna sila ng tig-P20 ng salarin bago kandungin at hipuin sa pribadong parte ng katawan. Lasing umano ang suspek nang mangyari ang insidente.

Lumabas din sa medical examination na positibong minolestiya ang tatlo sa limang bata.

Pero mariing itinanggi ni Castillon ang umano’y pambibintang ng mga pamilya.



Sa ngayon, nakapiit sa naturang himpilan si Castellon habang hinahanda ang kasong isasampa laban sa kaniya.

Facebook Comments