KASALAN NA? | Dennis Trillo, itinangging engaged na sila ni Jennylyn Mercado

70

Manila, Philippines – Itinanggi ni Dennis Trillo ang balitang engaged na sila ng aktres Jennelyn Mercado.

Ito ay matapos kumalat ang balitang nag-proposed na siya kay Jennylyn habang nasa Amerika sila.

Sa Instragram post ni Dennis, makikita ang litrato nila ni Jennylyn na magkahawak-kamay at kitang may suot na singsing si Jennylyn at kapwa may suot na Rolex couple watch.

Ayon kay Dennis, lumang singsing ni Jennylyn ang kanyang suot at nagkataon lang aniya na iyon yung naka-foreground sa litrato.

Facebook Comments