KASALAN NA! | Kasal nina Billy Crawford at Coleen Garcia, may petsa na!

70

Manila, Philippines – Finally! May petsa na ang kasal nina Billy Crawford at Coleen Garcia.

Excited itong inanunsyo ng co-host ni Billy na si Toni Gonzaga sa episode ng isang talent search program nitong sunday.

Gaganapin ang kanilang beach wedding sa Biyernes, April 20.

Dalawang wedding reception ang inihanda ng soon-to-be husband and wife, isa sa Balesin Island na dadaluhan ng kanilang mga pamilya at malalapit na kaibigan habang ang isa ay sa metro manila para sa mga hindi imbitado sa mismong araw ng kanilang kasal.

December 2016 nang mag-propose si Billy kay Coleen na noon ay two years nang magkarelasyon.

Facebook Comments