Kasambahay, arestado matapos magnakaw ng mga personal na gamit

477

Manila, Philippines – Hawak na ngayon ng QCPD station 6 ang isang kasambahay matapos ipakulong ng sariling amo dahil sa pagnanakaw ng mga personal na gamit.

Kinilala ang suspek na si Renalyn Ramos 35 stay-in pero Tubong Brgy. Lipata Marinduque.

Ayon kay PO2 Jomar Pallado ng QCPD station 6, isang abogado ang biktima na nakilalang si Liselle Angela Bascara 25 residente ng Filinvest 1 Brgy. Batasan Hills QC.


Sa kwento ni Atty. Bascara, lumapit sa kanya ang kapatid na babae matapos matuklasan ang nawawalang mamahaling bag sa loob ng kwarto ng kasambahay.

Dahil dito tumawag sila ng opisyal ng brgy. para ipaaresto at tanggalin sa serbisyo ang suspek.

Habang nag-iimpake, nadiskubre pa ang iba pang gamit na nawawala sa aparador ng biktima.



Kabilang dito ang sapatos, damit bag at mga underwear na aabot sa 23k pesos.

Aminado si Ramos sa pagnanakaw at ayon sa kanya dadalin sana nya sa probinsya ang mga gamit na balak ipamahagi sa mga kamag-anak.


Facebook Comments