Kasambahay, patay matapos pagtatagain sa Lopez Quezon

111

Manila, Philippines – Patay ang isang babaeng kasambahay matapos pagtatagain sa bayan ng Lopez, Quezon.

 

Sa ulat, naaktuhan ng suspek na si Justina Boneo, 39-anyos ang kanyang asawa at ang biktimang si Jessa Borais habang magkasama ang mga ito sa loob ng isang bahay.

 

Dahil sa labis na selos, pinagtataga ng suspek ang biktima gamit ang isang itak na nagresulta sa kanyang kaagarang kamatayan.

 

Personal naman na nagtungo at sumuko sa himpilan ng mga otoridad ang suspek.

 

Nananatili na ngayon sa kostudiya ng mga otoridad ang suspek habang hinahanda na ang kasong isasampa laban dito.


Facebook Comments