Kasambahay, pinagsamantalahan ang 11-anyos na alaga; Pang-aabuso, nagbunga

3015

Hinatulan ng 20 taong pagkakakulong ang dating kasambahay ng isang pamilya sa Florida matapos pagsamantalahan ang alagang lalaki at ipagbuntis ang anak nito.

Sinintensyahan nitong Miyerkules si Marissa Mowry, 28, na napatunayang nanghalay nang ilang ulit sa biktimang noon ay 11-anyos.


Nagsimula ang pang-aabuso noong 22-anyos pa lamang si Mowry at bagong pasok bilang bantay ng bata noong Enero 2014.

Nasa 14 beses umanong ginahasa ng dating kasambahay ang alaga at isinilang ang naging bunga noong Oktubre 2014, ayon sa mga imbestigador, base sa ulat ng WFLA.

Nagsumbong ang biktima sa kanyang nanay noong 2017 at nakumpirma sa DNA test na ang bata ang ama ng anak ng kasambahay.

Nasa pangangalaga ng ngayon ay 17-anyos at nasa grade 11 na biktima at kanyang nanay ang 5-taon gulang na supling nila ni Mowry.

Facebook Comments

From Advertisers