
Fake news, misinformation, at herd mentality.
Ito ang modernong salot na sumisira sa kalayaan ng bansa ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sabi ni Pangulong Marcos, sa kasalukuyan ay hindi na kasalanan ang pagpapahayag ng saloobin at kritisismo.
Ang problema aniya, kakambal ng kalayaan sa pamamahayag, ang pagkalat ng fake news at maling impormasyon na nakakaapekto sa kultura at values na pinanghahawakan ng bansa.
Dismayado rin ang pangulo na may mga indibidwal na ipinipilit ang maling paniniwala para sa interes ng iba, at hindi para sa kapakanan ng mga Pilipino.
Dahil dito, pinayuhan ng pangulo ang publiko na gamitin sa katotohanan at kapakanan ng bayan ang kalayaan sa pagpapahayag at hindi sa panlilinlang.
Facebook Comments