
Inihahanda na ni Senator Joel Villanueva ang mga kasong isasampa laban kay dating Bulacan Assistant District Engineer Brice Hernandez.
Kaugnay ito ng pagdawit sa kanya ni Hernandez sa mga maanomalyang flood control projects sa lalawigan ng Bulacan.
Kasalukuyan na aniyang nangangalap ng ebidensya ang kanyang mga abogado at kumpyansa naman silang matibay ang mga kasong kanilang isasampa.
Gayunman, masakit para sa senador na apektado ng demolition job laban sa kanya ang kanyang pamilya.
Tiwala naman si Villanueva na malalagpasan din niya ang mga alegasyon laban sa kanya.
Facebook Comments









