Kaso laban sa grupong Piston kaugnay sa ikinasang transport caravan – inihahanda na ng LTFRB

Manila, Philippines – Bubuo ng kaso ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board laban sa transport groups na nagsasagawa ng transport caravan ngayon a araw.

Ayon kay LTFRB Spokesperson Atty. Aileen Lizada – nakabantay ang mga tauhan ng kanilang ahensya katulong ang MMDA upang makapangalap ng ebidensyang magpapatibay sa kaso laban sa Piston.

Sinabi ni Lizada na bagama’t ayaw tawaging transport strike ng Piston ang ginagawa nilang caravan, parehas na rin ito ng tigil pasada dahil ibang ruta ang tinahak ng kanilang mga jeepney.


Nabatid na ang Piston na lang ang natitirang transport group na tutol sa modernisasyon ng jeepney transportation sa bansa.

DZXL558

Facebook Comments