Kaso laban sa IT contractor ng LTO, pinabasura ng DOJ

68

Pinabasura ng Department of Justice (DOJ) ang kasong kriminal na isinampa laban sa Dermalog, ang Information Technology provider ng Land Transportation Office (LTO) dahil sa kawalan ng merito.

Kinatigan ng DOJ ang petition for review na inihan ng Dermalog at binaliktad ang nauna nang naging desisyon ng Quezon City Prosecutors Office na nagsasabing mayroong probable cause para kasuhan ng qualified theft ang mga opisyal ng Dermalog na sina Gunther Mull, Randolf Sitz, Michel Schutt at Lourilyn Ocampo.

Nag-ugat ang kaso sa ₱3.1 billion IT project na ini-award ng LTO noong 2018.


Ang Verzontal Builders Inc. na kinakatawan ni Silvestre Natividad ay nabigong maka-comply sa deliverables na nakapaloob sa joint venture agreement kaya umatras ang Dermalog at nagsabing babayaran nito ang nagastos ng Verzontal na ₱228M.

Nagsampa ng reklamo ang Verzontal Builder dahil nais nilang 25% ng napagkasunduan sa kontrata ang siyang ibayad sa kanila ng Dermalog.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na walang merito ang demand ng Verzontal Builders at hindi ito pasok sa isang criminal case at qualified theft.



Iginiit din ni Dermalog Spokesperson Nikki de Vera na paninira lamang ang isinampang kaso.

Facebook Comments