Kaso laban sa mga rebeldeng nanambang sa pulis sa Masbate, pormal nang isusumite ng PNP sa korte

42

Masbate – Pormal nang dadalhin ng Philippine National Police-Masbate sa korte ang mga nasamsam na mga armas at basyo ng bala mula sa kanilang follow up operation.
Kasabay nito ay magsasampa rin sila ng kaso laban sa mga local terrorist na nanambang sa mga kasamahan nilang mga pulis at ikinasawi ni PO1 Matthew Baybayon.
Samantala, sugatan naman ang kasama nitong si PO1 Edgar Binggoy.
Sa ngayon ay maayos na ang lagay ni Binggoy at patuloy ang manhunt operation sa mga nanambang na rebelde.

Facebook Comments